Andaming naisip, walang natulong
Nung isang araw tinanong ako nung kaibigan ko.
"ano magandang content, pag beginner writer?"
Naramdaman kong gumalaw yung tenga ko na parang si Jappy pag sinabi kong "dentastix?"
Sa mga circle of friends ko kase, walang tulad ko na interesado magsulat online. Kung minsan napipilitan lang sila basahin yung mga sinusulat ko, tingin mo ba aasa pa akong willing silang makipag-diskusyon tungkol sa online writing? Sabi nga nung tambay sa tindahan sa kanto pag siningil na sya ng utang... asa ka boy!
Kaya natuwa ako na for the first time, may kaibigan akong tinanong ako tungkol dito.
Syempre buhay na buhay ang braincells ko.
Kailangan masagot ko nang maayos yung tanong nya kase ayaw kong ma-umay agad sya at mamatay yung spark.
Kaya bago ako sumagot, me daan-daang ideya ang sinala ko sa utak ko.
Do I give him a straight answer and suggest what topic I think he'll be good at? O tanungin ko ba muna kung anong type ng content ba ang isusulat nya? O gano karaming oras ba ang willing sya ibigay para magsulat? O sendan ko na lang ba sya ng article/video na kayang sagutin yung tanong nya? O tanungin ko ba muna kung for hobby lang ba o may plano sya for monetization? ...
Muntik na mag-short circuit yung utak ko. Di talaga ako magaling sa on the spot questions.
Pero gusto ko lang naman mabigyan sya na helpful na sagot kase ayokong mawala yung interest na meron na sya ngayon. Sobrang daming opportunities na pwedeng magbukas sa isang tao kung sisimulan nya magsulat online -- personal growth man o business ang goal.
Pero kahit gusto ko pang makapag-isip ng mas maayos na sagot para makasimula sya, ramdam kong ang tagal ko nang walang imik at naghihintay sya.
Na-uwi ako sa...
"Mas ok kung ang sisimulan mong content ay mga hilig mo na talaga. Tapos tignan mo san magreresonate mga tao. Tas dun ka magdouble down"
Weak answer.
I was vague and detailed at the same time. Badtrip na utak to.
Alam kong 50-50 ang reaksyon ng kahit sino kapag sinabihan nyan. Either magegets nila at magkaka-epiphany o kaya isang malaking "huh!?" ang ibabalik sakin.
Pero in the end, sa dinami-dami ng inisip ko, parang ni-isa pala ay walang maitutulong. Kase ang sinagot nya:
"Hmmm. Nagiisip ako short stories eh"
Ah short stories pala. Oo nga, narealize kong wala nga pala syang sinabing online writing ang gusto nya. Asumero lang ako.
Walang matutulong yung mga inisip ko kase sa mga ganung content, isang payo lang ang dapat sinasabi... isulat mo lang.
Hindi ito tulad ng online writing na kailangan mo pang isipan ng strategy, saan mo isususlat, at kung anu-ano.
Kase lahat ng istorya mo, kathang-isip man o totoo, di na dapat iniisip kung anong maganda. Diretso sulat na agad. Mabilis lang kase mawala ang inspirasyon at ideya sa pagsusulat ng mga ganito, kaya dapat hinuhuli agad sila.
Sana nahuli nya.