Anong sasabihin mo?
Ihing-ihi na ako kaso me pila sa CR nung restaurant na kinakainan namin, isa lang kase yung banyo tas all gender pa. At dahil ayoko ng lines, hinintay ko muna maubos muna yung dami ng tao sa pila bago ako tumayo sa upuan ko.
Nung wala na, nailabas ko sawakas yung wiwi na kanina pa mina-manage ng pantog ko.
But while I was doing my business, may malakas at mabilis na katok galing sa labas nung pinto.
Napa-double check ko kung nakalock ba ako kase ayoko namang makawala ang ibon basta-basta. Pagtingin ko, naka-lock naman kase nakita kong pumipihit yung door knob pero di bumubukas.
Naisip ko na baka parehas kami ng teknik na hinihintay maubos yung pila kaso naunahan ko sya. Ha! Sarreh.
Pero maya-maya pumihit ulit yung door knob tas kumatok ulit nang malakas.
Di ako nagsasalita kase gets mo na dapat na kung di mo mabuksan yung pinto, ibig sabihin, naka-lock, malamang may tao.
Kaso bigla nanaman syang kumatok.
"Hello? Anybody in there?" Babae yung boses.
Tumaas yung balahibo ko kase yung tono nya eh parang emergency yung tunong. Parang nanghihingi ng tulong. Kaso marami-rami yung laman nung tangke ko kaya matagal than usual yung pag-ihi ko.
*Knock knock knock knock!*
Palakas nang palakas yung katok nya.
"Hello!?"
"Yes? It's occupied" Sabi ko.
*KNOCK! KNOCK!*
Imbis na makahinga ako ng maluwag at marelax kase naka-ihi na ako, kinakabahan na ako. Di ba nya ako naririnig? Sabi ko occupied ha?
*EHEM* YES SOMEONE'S HERE sabi ko tas nilakasan ko konti which I admit, felt a little weird. Para kaseng sinigawan ko sya.
Tapos sumagot sya na parang pa-iyak na...
"Hello??? Please! please! I need to go!"
Kinabahan na talaga ako kase nasa gitna pa din ako ng pag-ihi at tunong ultra maximum red alert na yung tono nya. Tinatanong ko sa isip ko, prank ba 'to? Baka mamaya Wow Mali to tas paglabas ko ibang kwarto na yung nasa labas ha?
*KNOCK KNOCK KNOCK KNOCK!!!*
"HUHUHU PLEASE! IT'S COMING!" sigaw nya.
At this point I really don't know what to do. Parang naramdaman din ng katawan ko yung stress kase bigla na lang din tumigil yung ihi ko so tinapos ko na.
*KNOCK KNOCK!*
"Saglit laaang. Naghuhugas na po!" Sabi ko na parang tunong ng pre-school teacher na nakikipag usap nang mahinahon sa estudyante nya pero naiinis na din.
*KNOCK KNOCK KNOCK KNOCK KNOCK!!!!*
Di na ako nagsasalita kase imposibleng di nya ako naririnig, malamang ayaw na lang nya makinig. Pero dahil baka nga emergency, syempre nagmamadali na din ako sa pag-hugas ng kamay.
Nung bubuksan ko na yung pinto, ready na ako sa "IT'S A PRANK!" kahit alam kong it's the most stupid prank kung sakali.
Kaso pagbukas ko, dali-daling pumasok agad yung babae na para bang wala syang pake sa mundo. Tas maya maya lumapit sakin yung waiter nung restaurant.
"Sir, pasensya na ha? Special po ata yun. Pumasok na lang po bigla tapos dumiretso sa CR. Salamat sir"
Nung sinabi nya yun, nag-make sense naman lahat. Yung tono nung pagsasalita nya, yung behavior, yung lakas nung pagkatok. Kaya sabi ko ok lang naman, gets ko.
Buti pala binilisan ko kahit papano yung toilet time ko. Kung umiral yung pagiging epal ko na tatagalan ko pa kase parang disrespectful yung pagkatok nya, baka nagka-minus points nanaman ako kay Papa Jesus.
Good decision.
Nung naglalakad ako pabalik sa table namin, isa lang ang naiisip ko.
Hindi yung pagkatok sakin, although it was bizarre. Hindi din kung tama o mali ba na medyo nainis ako sakanya. Ang iniisip ko? Ano nga ba ang sasabihin kapag may kumakatok sayo nang ganon sa CR?
Kase narealize ko walang customary response sa ganun. Hindi nga naman normal na nangyayare yung me nagpapalabas sayo sa CR kase gagamit sya. Sa bahay nyo lang yung ganon. Sa public setting? Bihira.
Kaya parte ng kaba ko habang kinakatok sa loob eh di ko alam kung anong sasabihin ko. I've never been in that situation.
Ang usual kase ay "Ehem" o magbukas ako ng gripo to signal that someone's in there.
Kaya ngayon na nangyare na sakin at kung anu-anong sagot na yung nabato ko, tingin ko kailangan mo lang sabihin kung anong obvious na dapat sabihin. "Sandali lang. May tao pa"
Yun lang at wala nang paligoy ligoy pa. Nagkataon lang na me special needs pala yung kumakatok sakin that time. Pero on a more usual situation nang pagkalabog sayo sa CR? Sapat na yung sabihin mo lang kung anong nangyayare.
At tingin ko ganun naman lahat ng mga instances when we don't know what to say.
Just be honest and tell what's happening.
Tulad kanina.
Me usapan kami ni Aeriel na pupuntahan ko sya, 7:30 AM. Last week pa nya nabanggit yun at napag-usapan pa namin kagabi bago sya matulog. Kaso ako, 2am na ako nahimlay. Di sanay yung katawan ko na bumangon agad-agad without my 6 hours of sleep.
Kaya nung nagising ako nang late, I was actually thinking about making an alibi.
Pero ano sasabihin ko? May pupuntahan ako? May meeting? May sakit? At talaga bang ang unang gagawin ko pagkagising eh magsinungaling?
Syempre hindi. I should just tell her what it is. Yun ang pinaka-obvious na dapat sabihin. Kaya yun ang ginawa ko.
Na-gets nya, natulog pa ulit ako.
I've also been using that same idea with my friends. Kapag me nagyayaya tas ayaw ko? Dati gumagawa pa ako ng alibi. Ka-kuntsaba ko pa yung mga posibleng pagtanungan nila whether my alibi is true or not. Pero sobrang nakakapagod yun. Kaya sinumulan kong sabihin nalang kung ano talaga yung nasa harap ko.
"Ayokong lumabas ng bahay tonight eh"
Walang excuses. Walang alibi. Kase ma-ge-gets naman nila yun. Siguro mamimilit pa at baka mapilit ka pa nila. Pero at least hindi ka nagsinungaling.
Sa mga sitwasyon na di mo alam kung anong dapat sabihin, banggitin mo lang kung anong nangyayare.
Almost always, that's the best thing you could've said.
Anyway.
Speaking of kung anong sasabihin...
Ako na araw-araw nagsusulat? Literal na kung anu-ano lang ang kinukwento ko. Wala masyadong exhuastive thinking ang nagaganap dito. Para dun lang yun sa mga ginagawa kong copy o mga piksyon na hanggang ngayon hindi ko matuloy-tuloy. Siguro pag nagawa ko na yung mga kwentong yun, exclusive ko lang muna ipapakita sayo dahil isa kang magiting na RilleBlog subcsriber (teyks).
Sa mga kwento na yun, pagiisipan ko yung mga sasabihin at ikukwento ko.
Pero dahil wala pa, dito muna tayo sa daily kwentuhan natin.
Kaya kung di naman masyadong hassle for you, i-kwento mo 'ko sa iba! Copy-paste mo lang tong link: https://johnrillemanalo.com/rilleblog/