Eleganteng number 2
Alam mo may magic talaga ang music.
Isa ‘to sa may malaking ambag sa tuwing nag-susulat ako netong mga blogs, at copy araw-araw. Nabasa ko kase kay pareng Ben Settle na effective daw sa pagco-concentrate ang Baroque music on loop.
Bukod sa napaka-elegante na parang sa mga kastilyo o mansyon mo lang maririnig ang tugtuging ‘to, nakakagana din pala sya ng utak.
Unang beses ko pa nga lang sinubukan ‘to, nagulat na ako. Parang may nag-on ng autofocus sa ulo ko. Sunod sunod nabuo ang mga ideya. Sunod-sunod lumabas ang mga salita.
Magic.
Kaya mula ‘non, Baroque music na ang tumutugtog tuwing nag-susulat ako. Maraming tao si Lo-Fi girl ang kasama pag kailangan mag-focus, ako, si Bach.
Madalas naka-loud speaker pa yun. Pero minsan earbuds.
Ngayon, earbuds ako.
Walang makakapigil sa pag-labas ng mga salita sa screen kapag Ciello Suite No. 1 in G Major na ang tumugtog… Pwera na lang kung tinawag ako ng kalikasan.
Eh tinawag ako.
Syempre wala akong magagawa kundi i-pause muna ang nakaka-bihag na tunog. Gusto ko kase kapag may Baroque, sulat lang ang ginagawa. Kaya nung tahimik na, dali-dali na akong pumunta sa trono. Auto-focus, off.
Basa-basa muna ako ng email habang nagna-number 2. May pa kamot kamot pa ako sa tenga kase di ko natanggal yung earbuds ko at kanina pa ‘to naka-suksok sakin.
Eh soft-touch yung earbuds ko. Magalaw mo lang ng konti yung tenga mo, tutugtog ulit ang tunog.
Kaya isang kamot lang, tumugtog si Vivaldi — engrande, madula, detalyado.
Para akong biglang na-punta sa banyo ng isang palasyo. Parang pag-labas ko, may nag-hihintay na mayordomo sakin para bigyan ako ng alcohol at pamunas ng kamay. Parang pag-tapos ko, kailangang tuwid na ang tindig ko at sopistikado na dapat ang kilos ko. Isang iglap, parang pakiramdam ko ako ang hari.
Magic.
Pero sakto din naman kase naka-upo na ako sa trono. Yun na ata ang pinaka-dramatic na bisita ko sa banyo.