Happy monthsary
Isang buwang na akong nag-susulat sayo nang dire-diretso. Happy monthsary.
Di ko alam kung kelan ako hihinto magsulat neto. Pero sana naman matagal pa -- Dinefine ko to bilang life-time project eh. Parang ang lungkot naman kung pai-iksiin ko yun.
Kaya kung ngayon pa lang ay pumuputok na ang buchi mo dahil puro mga muni-muni ko ang nakikita mo, hehe good luck. You know what to do...
Pero kung sa kung anumang rason eh nakukulangan ka pa? May solusyon din ako dyan.
Di lang naman kase ako dito nagsusulat. Me mga pakulo din akong ginagawa sa iba pa na medyo mas career related.
Tingin ko kung may negosyo ka o interesado ka lang malaman pano magpabango ng pangalan sa mga partikular na tao baka magustuhan mo din yung pinagsasabi ko dito.
Kung hindi naman, i-papayo ko pa din na tignan mo. Baka sakaling may kaibigan kang maisip mong makakarelate sa mga sinasabi ko sa ipapakita ko sayo. Sharing is caring. Lalo na kung mas informative yung nilalaman neto.
Ano, gusto mo makita?
Kase ako gusto kong makita mo. Gusto ko ngang ishare mo kung anong mga nilalaman nun kung magustuhan mo eh.
Pero di kita pipilitin. Monthsary natin ngayon anukaba.
Basta sinasabi ko sayo na tignan mo lang 'to kung umay ka na sa daily personal blogs ko at gusto mong makakita ng ibang side ko. O di kaya kung nangangailangan ka ng konting ambon ng marketing chops sa kung anumang aspeto ng buhay mo o buhay ng kaibigan mo.
Gets?
Malinaw yan ha?
Sige tignan mo to: