Napanuod ko yung Outside sa Netflix.
8/10.
3.5 stars (out of five).
B+.
You get it. Nagustuhan ko naman.
Siguro malaking parte yung low ceiling ko pag dating sa Pinoy movies kaya ganon kataas yung rating ko? Siguro in-e-expect ko na kase lagi yung disappointment sa quality kaya ngayon na di ako na-disappoint, nagandahan ako? Ewan.
But even if that’s the case, di ko maikakaila na nagustuhan ko ‘tong Outside.
Yung mga hindi sya nagustuhan at all? Baka na-goyo lang sila na zombie thriller yung makikita nila.
Madalas naman kase sa mga pelikula eh may core na kwento lang tapos palamuti na yung iba.
Yung Ironman (2008) halimbawa eh tungkol lang naman sa Genius, Billionaire, Playboy, Philanthropist na masyadong out of touch sa reality tas nilaan bigla lahat ng meron sya into a noble cause pagtapos nyang ma-kidnap ng terorista.
Yung superhero flavor eh pampasarap na lang.
Sa Outside, kwento sya ng childhood trauma na binalutan ng balat ng zombie para me extrang lasa.
Galeng nga eh.
Pwede pa pagandahin, oo. Lahat naman ng pelikula kaya pa pagandahin. Pero sakin na mapagpanggap na movie reviewer? Ok na sya kung ano sya ngayon.
Na-inspire na nya ako eh.
Hindi pumutay ng sundalo at i-gaslight yung pamilya ko ha? Na-inspire nya ‘ko sumulat pa at maging creative pa.
Kase kaya naman pala eh.
Kaya naman pala magpalabas ng movie na me saysay.
Kaya naman palang mapansin yung mga kwentong bago.
Ang madalas na nangayayare kase dito satin, yung core na kwento (KUNG MERON MAN) eh muka ng artista ang ginagawang palamuti imbis na creative storytelling. Ayun, lagi tuloy kamot ulo na lang yung mga gutom sa art.
Kaya ngayon na medyo nasa all-time high ang kagustuhan kong makagawa ng fiction, dahil sa gantong palabas, nakakagana lalo.
Bigyan ko nga ng oras yung cringey shortstory ko mamaya.
Tsip, baka naman pwede nating pag-usapan…
Anong favorite mong Pinoy movie?
Nagustuhan mo ba yung Outside? Bakit o bakit hindi?
Nakasulat ka na ba ng fiction? Kung hindi, naisip mo ba magsulat? Kung oo, ang yabang mo naman. Joke. Share mo naman yan!
Bonus question na wala namang connect dito pero naisip ko itanong: Na-e-enjoy ma ba tong RilleBlog?
Pag-usapan natin yan.
oooh, mapanuod nga to. Ang favorite kong Filipino movie ay Feng Shui he he