Sinubukan ko naman...
Nakwento ko nung nakaraan kung anong tingin ko sa pag-gamit ng Facebook.
Sinubukan ko namang gustuhin sya pero mukang malabo talagang ma-enjoy ko anytime soon. Parang bawat pag-gamit ko, nalalagasan ako ng buhok sa bunbunan dahil sa inis.
Puro kase mga tagilid mag-isip ang pinapakita sakin dun.
Parang inuudyok ako. Parang sinasabing:
'Uy tignan mo sabi nito oh. Nakaka-bobo daw WFH oh tas etong isa wag ka daw maglabas ng content araw-araw oh. Ano tingin mo dyan? Comment ka dali. Hawakan mo sa tenga'
Ang galing eh. Alam na alam kung anong ipapakita sakin para mapa-comment ako. Kung may magbabayad siguro para sagutin yung mga ka-engengan ng karamihan sa mga tao dun, baka sakali pa.
Kaso wala eh. Lugi.
Dito kase sa mga massive social media platforms, second language na ang maging polarizing. Basta magka-engagement ka, maganda daw. Kaya ayun, gagawin ang lahat para sa likes at comments.
Pero syempre di ko buburahin yung Facebook ko. Importante yan sa larangan ko. Tsaka gusto ko pa din matag sa mga pictures at nakakatawang mga posts.
Kaya kung sakaling mang gusto ko pa din gawin yung 'network building' project ko online without the stress of facing give-me-your-attention content, subukan ko yung Substack.
Natuwa ako dun sa nabasa kong email nila eh. Sabi:
In making Substack more mobile-friendly, we’re fusing the simplicity of a social app with the economic power of direct subscriptions, and replacing attention with intention.
Your phone doesn’t have to be your mind’s prison. It can be your portal to a better culture.
Okay din diba?
Di ka nya bibigyan na kung anu-anong content. Ikaw ang pipili ng gusto mong makita. Kung mainis ka man, maiinis ka sa bagay na may katuturan. Hindi yung iinisin ka lang para pansinin mo sila.
Yun yung dahilan ko non kaya gumawa ako netong Substack. Dun ko nga binuo itong email list ko eh. Nilipat ko lang sa sariling website 'tong RilleBlog kase Rilleblog is something personal. Di naman sya content content lang.
(Naiimagine ko na sa future, pwede kong balikan kahit anong araw ng buhay ko. Tas malalaman ko na nung July 10, 2024 kinwento ko yung pinaka-elegante kong bisita sa banyo)
Pero dahil nga wala na sa Substack itong RilleBlog, iniisip ko kung anong proyekto ang ilalagay ko dun. So far interested ako sa short stories at sa mga humor writing kaya baka dun ko simulan. Bahala na. Pag di ko nagawa, siguro pwede namang gawin ko lang na social media yun dahil may social media aspect na sya.
Anyway. Ikaw din kaya! Gawa ka din ng Substack!
Kahit subukan mo lang. Malamang hindi sya kasing-entertaining ng Facebook o Tiktok. Pero mas payapa at intelektwal-wal sya. Tignan mo andun din ako: